January 12th, 2008
adik sa'yo (deh haha)
"Adik sa'yo", awit sa akin
nilang sawa na sa aking
mga kwentong marathon
Tungkol sa'yo, at sa ligayang
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw
Sa umaga't sa gabi sa
bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita,
hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip,
bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
-Hinahanap-hanap Kita ng Rivermaya
Natuwa lang ako na napakinggan ko ulit yung kantang 'to.
Anyway... marami akong iniisip ngayon at hindi ko na alam kung ano muna aatupagin ko... bahala na.
Pinagiisipan ko na rin kung anong klaseng thesis gagawin ko dahil nagbabanta na yung mga prof namin... dapat daw naghahanap na kami ng thesis partner/group, dapat siguro may idea man lang kami kung ano gagawin. Di ko ata kaya gumawa ng short feature. Depende na lang yan sa kalalabasan ng vidprod class ko.
Parang gusto ko ata mag photoessay. Or naisip ko kasi gumawa ng parang comic book pero instead na drawing, photos siya. Well, comics style layout. Tsaka siguro highly-stylized yung photos. Ewan. Sana pwede yun. Medyo fuzzy pa sakin kung anong story gusto ko i-pursue.
Meron na rin akong mga iniisip para sa vidprod. Ewan ko nga lang kung kaya ko gumawa ng horror story para sa Que Horror exercise namin. Haay... ewan.
Kelangan ko na talaga magprioritize. Wala na masyadong lakad... yeah right. Haha. Basta may time para sa pag-aaral. Woooh. Ayos! Hahaha.
haha).